It’s the 31st already. I just came back from S&R kasi nag-grocery kami ng last minute for the Meja Noche. Lekat na S&R na yan. Walang tingi na fruits. We need 12 different kinds of fruits for the New Year sabi ng mga matatanda. Does anyone know here san galing and ano ang sense ng pamahiin na yun? I don’t know eh. Sunod lang ako ng sunod. Lelz. Anyway, walang tingi na fruits at S&R. Either you buy them by pack or buy the pre-packed New Year basket at around Php 1,700. Hindi na uy. We went to the palengke afterwards and there was a basket of 12 kinds of fruits for only Php 550. Bingo.
Time flies talaga. In a few hours, 2019 will end na. In two days, birthday ko na. I’m turning 40. Wala naman ako problema turning 40. Ang problema ko is how to celebrate it. I don’t feel like having a big party. Natatamad ako. Alvin has been pressuring me to have one. Siya kasi nagparty nung 40th niya. Natatamad talaga ako. Parang I want to travel na lang with Alvin and Anika. I wanna go to Osaka instead. I gave up on Korea. Parang ayaw ng Korea sa amin. Alvin doesn’t agree with me. Ugali ko daw ang magbig party. Dapat bongga daw. Yun daw ako eh. Siguro yung batang Fleur yun. Itong turning 40 na Fleur na ito ang gusto lang is quality time na lang with the family. If I’ll celebrate (if I really have to), with the closest of the closests na lang. Wala nang ibang tao. Ganun ba. And ang gusto ko talaga is magparty na lang with the orphans or the less fortunate na kids. Yun ang gusto ko. Parang mas self fulfilling. May napasaya pa ako na mga bata. Pagnagparty kasi ako parang yun na yun eh. Pero ayaw pumayag talaga ni Sombrero. Hindi daw pwede. Minsan lang daw mag-40 ang isang tao.
Isip isip.
Hahahaha! Sa isang araw na talaga yun eh!
So what did I do this holiday break?
Sinulit ko mga bakla. Pati ang pag-kain ng masasarap, sinulit ko din. Lumobo tuloy ako ng wagas.
I feel productive naman. I posted in my IG Anika’s and my preloved clothes and things. Finally I got it done. I cleared out my closet of the things that do not fit me anymore. I just have to message everyone how much so I can ship it to them.
We had an overnight trip in this overpriced resort in Laguna. Kaloka. Okay lang naman to pay Php 20,000 for a resort. Malaki yung place. They had a deep pool and a kiddie pool. Malaki yung mga rooms. They had 5 double deck beds in each room with a toilet and bath in each room too. Yun lang. Yung aircon isa lang pwede mong buksan sa ground floor. Kahit na jabar na kayo sa init kasi malaki yung area tapos isang aircon lang ang gumagana, bawal buksan yung iba. Yung mga kubyertos may bayad lahat. Walang blankets! We had to demand pa kasi annoyed na kami. Buti pumayag. And buti libre ang videoke. Buti na lang din masaya kami kahit na ganun ang ganap.
I played volleyball the next day. Matagtag man lang ng slight yung fats. It was fun. I’ll never stop playing volleyball.
After I played volleyball, I rushed home kasi Alvin and I were going on a date. I was so excited because mas often pa ang eclipse mangyari kaysa date night namin mag-asawa. I have been looking forward to this date night since the 23rd when we planned it. Mantakin mo paguwi ko wala si Lyn. Nagdayoff! I forgot to tell her na lalandi ako that night kaya she went to the mall.
Olats na olats lola niyo, guys. Naluha luha ako eh. Wala kami mapagiwanan kay Anika. Na-awa siguro si Alvin sa akin kaya todo suyo siya. NagNetflix na lang kami at home.
ALVIN: Wag ka na malungkot. Hindi naman tayo matatapos today eh. Maraming araw pa in the future na pwede tayo magdate. Gawin natin priority yan next year.
ME: Lagi mo naman sinasabi yan eh pero hindi naman nangyayari. Ngayon na nga lang sana, hindi pa natuloy. Malas talaga.
ALVIN: Wag mong sabihin yan. Pagtanda natin magkakaron na ng ibang lakad yan si Anika. Tayong dalawa na lang. Mag-a-out of the country tayo lagi. Papasyal tayo lagi.
Number 1 mga ateng, Resorts World lang naman sana ang gusto ko puntahan. Nasa around the world levels na ang Sombrero. Number 2, pagmatanda na kami magde-date, hindi na ako maganda sa pictures. I don’t like.
Pero no choice. Be happy with what you have and what you can do right now ang peg ko nung 29th.
The next day, Lolo Papa organized a breakfast reunion with my cousins. Lolo Papa’s eldest brother died before Christmas so naguwian from the States yung mga anak niya. Nagkita kita kami yesterday. Ang call time was 730am. Yun na ata ang pinaka-maagang reunion na napuntahan ko. Hehe. But it was fun seeing everyone.
See how fat I am? I gained 15 f*cking pounds. 10 lbs nun nasa braso ko. Kung sa boobs lang talaga napupunta automatically ang fats, kakain ako ng ice cream gabi gabi.
After the reunion, Alvin left to go to work while kami ni Anika na hair salon, shopping and nail salon. Donya ang peg. Ganito pala feeling ng mayamang housewife. Charot lang.
We went to Rexcie for our haircut.
I don’t have a decent photo because napa-ikli ata ang gupit sa akin ni Muther Rexcie. Ang feeling ko ang taba ko.
ANIKA: Nanay, you look fat but cute!
Fat and cute?!
Biik. Biik lang ang peg.
ANIKA: Nanay, what’s biik?
Never mind.
I watched Doctors na Koreanovela in between those days. 2 episodes na lang and I’m done. I like that show. I’ll post a review soon.
Osha, tatapusin ko na yung Doctors para accomplished ako today. Hahahaha!
Advanced Happy New Year guys!